isang buwan na rin ang nakalipas nang huli akong magpost. meaning milyones na ang mga nangyari since then. at ibig sabihin rin, bago nanaman ang kinahuhumalingan ko. alam ko masama. masama talagang napaka-fickle ko. kaso hindi ko rin naman siguro kasalanan. pa'no ka mananatiling "faithful" sa isang bagay o isang tao kung hindi ka naman nakadarama ng kahit kaunting appreciation mula dito? yikes. ang selfish at ang fickle ko. rarr.
ayokong magsalita nang tapos. maaaring sa susunod na buwan, sa oktubre, pagkatapos ng tatlong taon, magbago ang nararamdaman ko. pero sa mga sandaling ito, sadyang kakaiba ang nararamdaman ko para sa'yo.