hindi ko maalala 'yung eksaktong "moment" kung kelan kita nagustuhan. iyon kaya ay nung pinipilit kitang tabihan sa ating mga klase kahit na hindi naman ako madalas umupo doon? iyon ba eh nung kahit anong init eh tinitiis ko para lang magamit mo ang panali ko sa buhok? eh nung dalawa lang tayong magkasama at pinipilit kong alamin kung bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend? o kaya nung inasar mo ako sa kaibigan mo at nung napaamin mo ako eh nangako ka namang hindi mo sasabihin kahit kanino? o di kaya naman nung malapit na ang bday mo at naghanap pa talaga ako ng mga rock love songs para lang masabi sa'yo na sana mainlove ka na?
sa totoo lang, hindi ko malaman kung kelan nagsimula at aling eksaktong insidente ang dahilan sa pagkakahulog ng loob ko sa'yo. pero kahit na..sa ngayon, hindi na ito mahalaga. nalalapit na ang katapusan ng lahat.
sige na nga, ang OA ko naman. fine. katapusan lang ng 2nd sem ng freshman year natin ang tinutukoy ko. pero katapusan na rin kahit papano kasi lilipat na ako. hindi lang ng course kundi pati campus. at habang palapit nang palapit ang sandaling iyon, parang lalo MONG pinapahirap ang desisyon kong lumipat.
ewan ko lang ba o baka naman ngayon ko lang napansin. o baka kasi ngayon lang tayo talagang "nagbond". pero sa bawat pagkakataong nagkakasama tayo, at napag-uusapan ang aking nalalapit na paglisan, tila may nasasabi ka upang maramdaman kong ayaw mong umalis ako. oo na. sinabi mo na nga na higit pa sa limang beses na wag na akong umalis. sinabi mo nang hindi ako sasaya sa lilipatan ko at sa piling niyo (ng block) lang ako magiging maligaya. iminungkahi mo na nga sa kaibigan ko na itali na lamang ako para huwag makaalis.
pero bakit ganito ang iyong mga reaksyon? maliban sa pamimilit ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa block, ikaw lang ang walang sawang nangungulit na wag na akong umalis. bakit? BAKIT???
senyales ba ito na gusto mo rin ako? o baka naman "naattach" ka lang sa akin at natutuwa ka sa pagkakaibigan natin? o baka dahil "one of the boys" ako? pero ganun pa man, hindi naman tayo GANUN ka-close para maging ganyan ang mga reaksyon mo..
naguguluhan na ako sa lagay na 'to. hindi ko alam kung anong mensahe ang nais mong iparating. pero kahit sadyang malabo at hindi maintindihan ang mga nangyayari sa pagitan nating dalawa, gusto ko lang malaman mo na gusto kita. gustong-gusto kita. ayun..wala lang.
haha..as if naman mababasa mo 'to. :P