heto nanaman ako..online nanaman, nagpopost nanaman. tas ano nanaman ba topic ko? syempre ang paborito kong topic sa buong mundo. ang aking kasawian. pero maiba tayo sa post na 'to. mangangarap na lang muna ako.
***
aabangan
kita.
ikaw ang talang mamasdan ko sa kalayuan..
habang patuloy kang nawawala sa aking paningin..
naglalaho sa kalangitan.
pero
patuloy parin kitang mamasdan.
kahit wala ka na. ang lugar na iyong nilisan ay titingalain ko
parin.
darating rin ang gabi.
makikita kitang
muli.
at sa pagkakataong iyon, liliwanag nanaman ang aking mundo.
kahit sandali lang. kahit
alam ko mawawala ka muli.
at darating ang panahong
hindi mo na bibigyang ningning ang kadiliman ng aking gabi.
masasanay rin ako sa takipsilim na wala ka. pero
sana, minsan,
kahit isang saglit sa hinaharap, maalala mo ring
may nag-iintay parin sa'yong liwanag, nangangapa sa dilim.
***
kamusta namang HINDI daw magdadrama?
eto na nga. eto na talaga. pangarap kong manligaw ng isang tao. particularly isang bading. take note. HINDI BABAE o LALAKI ok? BADING. ndi ako sure kung swak ung bi. pag-iisipan ko pa. pero anyway, syempre, kasama na rin dun na sana sagutin nya ako noh? pero ayun nga, gusto ko mabigyan ng pagkakataon na manligaw. ung ligaw na napapanood mo lang sa sine. ung tipong naiiyak ka at napapa-awww sa sobrang pagkasweet. un ang nais kong gawin. ung ibigay ang sarili ko kahit nakakahiya, kahit mukhang tanga. pero astig rin kaya. kung kaya ng lalaki mapaibig ang isang babae sa simpleng text at date sa kung san mang "wala lang" na lugar, gusto kong mag-effort. ung tipong ndi mo maimagine na may taong gagawa nun para sa'yo. iyon ang gusto kong gawin. ung ultimate dream ng taong balak kong ligawan times ten. parang ganun.
so meron na akong game plan. kaso nga lang, wala namang liligawan. ndi naman sa mahirap maghanap ng WORTHY candidate. kaso sana, ung kahit pa'no, may pag-asa. or at least i-eentertain ka. ndi naman ako takot mabusted eh. naman. kaya nga gusto kong manligaw eh. syempre masarap maramdaman ung challenge, ung effort, at ung triumph. pero astig rin ung sakit, ung pagkasawi knowing na ibinigay mo ang lahat. ibig sabihin, hindi talaga meant. pero ndi masasabing nagkulang ka. ndi lang nya tinanggap.
kaya kung mga may suhestyon kayo para sa aking pangarap, i would so appreciate them. salamat salamat. :D