naramdaman mo na ba na sobrang saya mo? ung kakaibang bliss na feeling mo naabot mo na ang langit? tas habang naghohover ka sa ere, biglang babagsak ka na lang? biglang may humila sa'yo pababa at hindi man lang naghanda ng lugar na maaari mong bagsakan. sa pagkakabagsak mo, tumingin ka sa paligid at nakita mo ang lahat. ang lahat ay pareho parin. pero iba pala. ang mga bagay na binigyan mo ng respeto at tiwala ay hindi pala tunay. ang mga bagay na nagdulot sa'yo ng saya ay hindi pala totoo.
oo. naloko ka. nalinlang ka. naisahan ka. pero ang pinakamasama sa nangyari ay hindi mo makuhang magalit. at ang talagang gusto mong mangyari ay bumalik sa panahong hindi mo alam ang katotohanan. nais mong bumalik sa ilusyon na masaya ang lahat para makalipad muli.
sabihin mong hindi totoo ang mga natuklasan ko. sabihin mong ikaw parin ang inakala kong ikaw. sabihin mong kaya mong ibalik sa dati ang lahat. sabihin mong makakabalik parin tayo sa langit. at sana, sabihin mong hindi mo ako niloko.