naalala ko bigla si guy number 1. at kung gaano niya naparamdam sa'kin kung gaano ka-one dimensional ang pagkatao ko. puta. meron pa kayang mga bagay na hindi alam ng mundo tungkol sa'kin? yikes. ramdam ko wala na. omg. napakatransparent ko. napakababaw. hindi na kailangan arukin pa ang kung ano. kasi hindi naman kailangan. wala ka rin namang madidiskubre. kung ano ako eh un lang ako. at wala nang iba. shet. pero tama rin kayang maghangad na may iba pang aika?
wala nang iba pang aika. hanggang dito lang ako. walang depth. walang lalim. eto. un lang. siguro sa isang araw na magkasama tayo, malalaman mo na ang lahat-lahat na pwedeng alamin tungkol sa'kin. eh bakit mo pa gugustuhing makasama ako ng isang buwan, isang taon, limang taon..habangbuhay? eh baka nga isang linggo pa lang eh nilalangaw na ang utak mo sa boredom.
alam ko NEVER pa ko natawag na boring sa buong buhay ko. pero kung tutuusin, feeling ko napakaboring ko na talaga. o baka yan lang talaga ang napapadama niyo sa'kin? ikaw at si guy number 1? na parang kahit anong gawin ko, hindi ako babagay sa inyo. dahil napakadynamic ng pagkatao niyo pareho. kakaiba at KAHANGA-HANGA. habang ako'y napakaplain. ordinaryo. generic. na tipong maglakad ka lang ng ilang metro sa Palma Hall eh makakahanap ka na ng at least 3 people na katumbas ko. puta.
minsan ko lang maramdaman 'to. kapag sadyang napakaespesyal ng isang tao. ikaw pa lang ang pangalawang taong nakapagparamdam sa'kin na parang wala man lang akong personality. kaya siguro gustong-gusto kita lalo. kasi iba ka sa lahat.
ang mga taong katulad mo ang rason kung bakit nagkakaron ng inferiority complex ang ordinaryong tao. kahit nakakainsecure, lalo tuloy akong nabibighani sa'yo. sa pagkatao mo. ikaw. ung sa loob mo. na walang pakundangan kung ano pa.
sana lang mas maraming tulad mo. para naman magkaroon ng pagkakataon ang mga simple at generic na taong katulad ko.