nakakatawa isipin kung ga'no ako na-"hit-and-run" (solidum, 2006) ni (alam niyo nang lahat kung sino)..ngayon ko lang narealize na marami pa lang cute na cinemasters. ay wait lang..napansin ko na pala sila noon pa. siyempre, ung una kong crush. 1st GA pa lang..ayos na siya. tas ung lalaki sa dilim. at ung may nakakabighaning friendster pic. tas ung favorite ym mate ko. at ung astig pumorma. ilan rin un? LIMA. limang lalaki. limang lalaking very cute at very eligible. kaso nasapawan. nasapawan niya. at never na natuloy ang mga crush ko sa iba. dahil sadyang siya lang talaga. ano beh???
sabi nga ni es..ako'y tila umaabot ng bituin. na kahit kelan ay hindi mahuhulog para sa'kin. at kung mahulog man, masyadong ____ para sa'kin. (haha..nakalimutan ko na ung part na 'to)
pathetically, i'm still holding on to the "ogie diaz and wife" part 2 dream. umaasa parin ako. at patuloy akong aasa. kahit na ilang beses niyong sabihing marami pang iba diyan. isa lang siya. at iintayin ko ang sandaling mahulog siya. kaso mangyayari kaya un???
alam ko umaasa ako sa wala. pero langya. selfish nga ako eh. ginusto ko 'to. at walang pakialamanan. hayaan niyo na lang ako. kahit kabaliwan na. kahit walang patutunguhan. kahit siguro lumuha ako ng dugo eh hindi talaga. pero libre mangarap. at ang pinakamahalagang human right ay ang freedom to hope. kaya hayaan niyo na lang ako umasa. wag kayong masaktan para sa'kin. wag kayong mapagod para sa'kin. handa akong maghintay, magdusa at magpakatanga. pinili ko 'to. pinili ko 'to nung araw na nakalimutan ko na ang lahat, dahil lang sa kanya.
wag kayong maawa. wag kayong makialam. wag niyong pilitin baguhin ang isip ko. dahil lahat-lahat ng ginagawa niyo ay nagtutulak lang sa'kin para lalong mabaon sa bitag niya (na nakalaan sa iba, ako lang ang nagpabitag).
hindi naman kasi posibleng habang buhay eh kakayanin parin ng kalyado kong puso. mangyayari ring titigil ang pagtibok nito para sa kanya. pero habang hindi pa ako mismo ang bumibitaw, standby lang kayo. kakailanganin ko rin kayo matapos ang lahat-lahat ng ito. intayin niyo lang. kelangan rin i-revive ng puso ko.