ang silakbo nga naman puso..pati ang mga katarantaduhang kaakibat nito. tsk tsk. hindi na ata maaaring mabiyak ang puso ko. whoah. ang drama. pero seryoso. gaya nga ng sabi ni kelly clarkson,
how can my heart break if it what isn't even whole in the first place? sige..dahil namiss ko magblog sa blogger dahil tamad akong magpalit ng template, hahabaan ko ang post ko.
magbibilang na lang ako.
ano nga ba ang mga katarantaduhang nagawa ko dahil lamang sa silakbo ng puso? *ahem* (hindi na kasama ang hayskul..dun talaga SOBRANG DAMI)
sa UP Manila:
1. first week ko pa lang..ang "kuya, pwede mo po ba akong ipakilala sa kanya?" incident na isinulat ko pa dun sa papel nung nag-game. yikes!
2. "excuse me po, pwede po bang magpapicture?" (hello aika..hindi celebrity ang taong un..)
3. strolling sa pedro gil
4. ang mga "nood tayo ng concert" estilong bulok
5. ang jacket/cd gift na idineliver pa sa alabang..(take note: fairview ako nakatira)
6. ang pagkaladkad kay kuya sa starbucks para lang makita ang aking crush na nakapalda (hindi naman girl un..hehe)
7. ang mga *ayokong idescribe* na text
8. ang "andun ka sa blog ko" cherva
9. ang mga confrontation na uncalled for
10. ang mga phone conversation na ako ang dehado
(marami pa yan..kaso nakakatamad na.)
sa UP Diliman naman:
1. ang muntik ko nang pagsali sa babaylan..(yes..i LOVE gay men)
2. ang paghabol ko sa isang varsity softball player..yikes!
3. ang pagsama sa rally..hindi sa hindi ako sanay pero dahil ang rason ay tao..hindi ung "cause"
4. ang pagtambay sa gym na SOBRANG lapit sa palma hall
5..wala na. bumalik kasi sa UPM ang silakbo. kaso hindi rin natuloy..so wag na un. kasi asa UPD na nga eh.
may 6 at 7 na ako. :) kaso baka may makabasa..kaya pagtapos na lang ang silakbo..saka na lang.