handa ka bang magparaya para sa taong mahal na mahal mo? kaya mo bang pakawalan ang taong pinakamamahal mo upang maghanap ng pagmamahal sa piling ng iba, specifically kaibigan mo? kaya mo ba siyang tulungan sa kaibigan mo kahit na madudurog sa proseso ang puso mo? kaya mo bang kalimutan ang iyong sariling kapakanan para sa ikasasaya niya? hanggang saan mo ba kayang ibigay ang buong pagkatao mo para sa kanya?
ako nga naman talaga si ariel. kaso never ako naging prinsesa ng prince eric ko. dahil kahit na ibinigay ko na ang lahat ng pride at kahihiyan ko para sa mga paang pwedeng gamitin para mapalapit sa kanya, hindi parin niya ako minahal. ay..hindi pala. minahal niya ako. bilang kapatid nga lang. kung kaya't nagpakasal siya sa iba at ako'y naging seafoam na lamang. haaay..ang saya. sa totoong buhay, walang disney. kaya hindi nagiging prinsesa ang mga hamak na sirena.
mahal kita..kaya kapalit ng buhay mo o ang pagbalik ko sa pagiging sirena, pinili ko na lang maging seafoam. atleast masaya ka kapiling ang prinsesa mo. at ako..kahit naglaho na lang ako sa buhay mo, napatunayan ko sa sarili ko at sa mundo na mahal talaga kita. kahit ikaw..hindi mo nadama.