at akala ko namang masaya na kami at hinding-hindi na niya ako paiiyakin muli. how totally naive..o baka tanga lang talaga ako? o kaya bulag..ay hindi..worst. nagbulag-bulagan. mahirap talaga harapin ang realidad. mapait. masaklap.
maiintindihan ko naman kung may gusto siyang iba. ay duh??? obviously..as if naman magugustuhan niya ako ever. pero the fact na kaibigan ko. tapos may supposed "thing" o kung ano man sa pagitan namin at nung gusto niya noon. shet. malala na ata ang sitwasyon.
pero hindi..it gets worst. ibinuhos ko ang lahat ng frustrations ko sa best friend ko. only to find out na ang nag-iisang bagay na may pakelam siya ay kung gusto rin ba nung kaibigan namin ung mahal ko. pucha naman. nakakagago na. pati best friend ko. nag-iisang taong nandiyan nung iniwan ako sa ere ng mahal ko. pinagpalit ako. para sa kaibigan ko rin.
ay ang saya. baliw na ang mundo. o ako lang? pero tang ina..kung ganito lang ba ang mundo, ayoko na dito. hahanap na lang ako ng ibang mundo. na hindi na ako masasaktan ng mga taong pinapahalagahan ko nang ganito.