napagtanto ko lang na mahirap pala talaga bumitaw sa isang bagay (o tao) na mahalaga sa'yo. mahirap ito sa kadahilanang hindi ka pa naman talaga handang bumitaw ngunit kinakailangan na. at lalong mas nagpahirap pa sa sitwasyong ito ay ang kawalan ng matinong wakas.
sa ngayon, kahit alam kong kinakailangan na at wala nang patutunguhan ang aking patuloy na pagkapit sa mga pangyayari noong nakalipas na bakasyon, hindi ko parin magawang bumitaw. masyado ko lang sigurong hinayaang maging malaking parte ito ng buhay ko kung kaya't naaapektuhan nito nang matindi ang aking buhay kahit wala nanamang komunikasyon. masaklap pa sa lahat eh kahit na mayroong mga bagong sitwasyong hinahain sa akin dito sa diliman, tila binabalik-balikan ko parin ang nakalipas.
ayoko na. tama na siguro dahil mali na ito. kaso nga lang..asan ka ba para wakasan ito?