3 araw na rin akong 18..
so ano bang nangyari sa mga araw na un?
april 1.
bday ko. gising ako hanggang mga alas-tres.
bakit ka mo? kasi magkausap kami ni andrew.
at sige na nga..iniintay kong batiin niya ko.
nagpapasalamat ako at naisipan niya akong itext kahit mga alas tres na. kundi, baka ndi na ako nakatulog.
maliban sa kanya na nagpasaya ng araw ko, napaiyak rin ako sa tuwa nina joshua, kerry, ang Tianx at si mommy.
nakakatouch ung message ni joshua. tas pamatay ung letter ni kerry. ndi ko inakalang ganun kaseryoso ung dulo nun. tas wala akong masabi sa tianx. nasurpresa nila talaga ako. wala akong kaalam-alam na darating sila. at ang tigas na si aika ay nauwi sa pagluha dahil sa thoughtfulness nila. tas siyempre..and ndi ko ineexpect na laptop mula kay mommy. waaaah!!! ndi ako deserving. pero ayun, alas-siyete pa lang sa unang araw ko bilang adult ay bagsak na ako sa kama.
april 2.
ung lts. hindi masyado mahalaga kaya wag na irecap. tas fitting ko. astig..pumayat daw ako. harhar. tas siyempre, kung kelan wala akong batt, bigla niya akong gugustuhing makausap sa telepono. sa totoo lang, ang hirap niya kausap. halos parang wala siyang interes. pero inilagay ko na lang sa isip ko na kahit papano, hindi lang naman boredom at excuse para makatakas sa pag-inom ang rason kung bakit kami nag-usap. siguro, kahit papano, gusto rin naman siguro niya kong makausap. ewan. pero kahit na halos walang kakwenta-kwenta ung conversation at napakadaming awkward pauses, masaya parin ako kasi nag-usap kami. sana maulit muli..
april 3.
nagising ako sa text niya. tas downhill na ang buong araw ko pagkatapos. natulog lang ako halos. at nag-aral nang konti. haaay..goodluck na lang sa removals ko. hehe..
alam na kaya niyang gusto ko siya? malamang. kasi matalino siya. pero baka naman hindi siya makapaniwala kaya ndi niya gets. pero ewan. bakit parang nagsusulputan ang mga "crush" niya mula kung san san? at parang ngayon ko lang naririnig ang mga un? o baka naman kasi close na kami ngayon kaya informed na ako tungkol sa mga napupusuan niya. siyempre, pinipilit kong wag maging gof kahit napakahirap at hurting ako. siguro hindi na talaga matutupad ung sabi ng cards. at malamang mababawasan ang desire ko na bumisita sa upm dahil sigurado akong masakit lang makita siya na masaya sa piling ng iba kasi hanggang matalik na kaibigan lang ang tingin niya sakin. argh! ayoko na.
dapat pa kaya niyang malaman ang tunay na nararamdaman ko?