para sa kanya
isang kahapon pinagmamasdan kita
kumakanta't nagkakamali
nahulog ako sa isang sandali
isang kahapon pinagmamasdan kita
nagkalayo na tayong dalawa
ang pagkakatao'y lumipas na
ngayo'y pinagmamasdan muli kita
bakas ng kamusmusa'y halos wala na
ang mundo'y nangyari na sa ating dalawa
sandali sa ating kahapo'y maibabalik pa ba?
ngayon habang pinagmamasdan parin kita
masaya at malaya
walang kamuwang-muwang
na limang taon na kita pinagmamasdan