mag-aalas tres na rin. anong ginagawa ko? sa mga oras na ito ay nagmumuni-muni ako tungkol sa pag-ibig. haha. tama 'yan. aika..matulog ka na lang. pero seryoso. ayoko matulog nang hindi ko naiintindihan kung anong nararamdaman ko.
una sa lahat, bakit nga ba nagmamahal ang isang tao? para kapag nababato ka sa kwarto mo eh meron kang matetext at siguradong magrereply siya dahil mahal ka nga niya? pero kasagutan mo lang eh textmate. o kaya ka nagmamahal eh para may makaladkad ka pag kelangan mo pumunta kung san-san? pero kaya nga may pamilya't barkada eh. hindi naman siguro kelangan "mahal" mo para maisama mo. o baka naman dahil ayaw mo lang ma-left out dahil ang buong barkada mo ay may significant other na? pero mabubuhay ka parin naman kahit pang-19th wheel ka na diba? eh bakit nga ba talaga? para makarinig ka ng "i love you" mula sa kanya? naman..sana hindi lang un ang rason diba?
pero ako? ano ba talaga ang rason ko para naising sana ay hayaan niya akong mahalin siya? simple lang. gusto ko lang maipadama sa kanya na mahalaga siya. na magaling siyang tao at napakaswerte ng mundo kasi may nilalang na tulad niya. whoah. purihin ba daw ng todo-todo? pero ano pa nga bang rason? gusto ko siyang makilala pa nang mas mahusay. nais kong malaman ang mga pinakamaliliit na detalye tungkol sa kanyang pagkatao. gusto ko na pagdating ng araw eh makakagawa ako ng biography niya na halos kasing ganda ng autobiography na gagawin niya para sa sarili niya. siguro gusto ko ring matarok ang kailaliman ng kanyang pagkatao at kaibuturan ng kanyang puso.
pero ewan..ung ibang rason, parang nais ko lang siya makilala. pero higit pa doon ang nais kong mangyari..nais kong maintindihan ang lahat ng bagay na nakakabwisit sa kanya. nais kong mahalin siya kahit na umabot na sa puntong ginagago na lang niya ko. ewan..gusto ko lang siyang mahalin talaga eh.
kaya lang, pwede ba?
tanong ko lang sa'yo, pwede ba kitang mahalin?
kahit ako lang naman eh..
basta ba magkaibigan parin tayo.
so pare, ok lang ba kung sabihin ko sa'yo na mahal kita? :)