Got this from Reinzi's friendster bulletin board post...
1.ANO STUDENT NUMBER MO?
2004-08429
2. PANO KA NAKAPASOK SA UP?
Nag-UPCAT ako..August 2, 2003 ata un..ewan, ndi ko na maalala. basta pinili kong magtake ng hapon ng Saturday at naalala ko pang ndi ako mapakali sa nerbiyos nun dahil dream school ko ang UP.
3.PANO MO NALAMAN ANG UPCAT RESULT?:
nung araw na inilabas ung results, asa bahay pa ko nun kasi ndi ako pumasok. tinext ako ni mia na "good news" daw..so siyempre, ndi ko naman maqualify kung anong "good news" un kaya kinaladkad ko si ate at si kuya mel na pumunta sa diliman. at nung nakita ko ung pangalan ko, napasigaw talaga ako ng "OH MY GOD! MANILA!" tapos nagtinginan sakin ng masama ung mga tao sa paligid ko tapos naiyak nako..hahaha! pathetic!
4.FIRST CHOICE CAMPUS MO BA ANG UPD?:
hindi. UP Manila. ninais kong makaranas ng new horizon..kaya lang ngayon, parang nais ko na bumalik sa katipunan..
5.ALAM MO BA ANG UPG MO?:
hindi. sana alam ko para naman maboost ang ego ko kahit papano..
6.ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?:
first choice ko talaga ang biochem..tapos pharm. pero chineckan ko rin ung intarmed. wala lang..gusto ko lang itry kung makakapasok. siyempre..naconfirm ko na sa sarili ko na "i'm not good enough." pero anyway, nakuha ko ung first choice ko..na mejo gusto ko na iwanan..
7.SECOND CHOICE?:
second choice ko sa manila, pharm. siyempre dahil wala akong self-confidence, ndi UPD ang second choice campus ko kundi baguio..at ang dalawang course ko dun ay bio at creative writing..
8.ANO COURSE MO NGAUN?:
biochem. yep, first choice ko. saya.
9.MAY PLANO KA MAGSHIFT:?
ewan. depende kung anong mangyayari sa 2nd sem. pero kung ndi talaga magworkout for me tong course na to, malamang lumipat ako sa UPD at magtake ng film.
10.RURALITE KA BA?:
ndi. buong buhay ko ay namalagi ako sa qc. ngayon naman, manila.
11.PHI SCI?:
ndi. proud knoller ako despite the fact na pinalilibutan ang buhay ko ngayon ng pisay people..
12.UMATTEND KA BA NG MGA KUNG ANO-ANONG PROGRAMA NG FRESHMAN KA?
oo naman. excited pa ko pumasok nun dahil wala pang ginagawa at ndi pa routinary ang mga bagay-bagay.
13.NAKAPAGDORM KA NA BA?
ndi pa..at ndi na mangyayari to kahit kelan dahil ang aking ina ay napakaprotective at mahilig pang magkaron ng withdrawal symptoms..haaay..
14.NAGKASINGKO KA NA BA?
ndi pa naman. at wag naman sana. dahil pano ko magkakaron ng option na lumipat kung may singko ako?
15. NAGKA-UNO (1.00) KA NA?:
ndi pa..sana naman magkaron ng uno kahit sa kung anong subject lang.
16.HIGHEST GRADE MO?:
uno sana.
17.LOWEST:
haaay nako wag naman sana tres or lower. although may lecheng comsci 10 eh.
18.WORST EXPERIENCE SA FORM 5:
wala pa naman..pero ang weirdo nung dati. ndi ko alam na nagkapalit kami ng form 5 ni kerry. si ma'am valbuena pa ang nakapansin.
19.LAGI KA BANG NAGPEPREROG?:
prerogative ba ito? ewan. ndi ko alam.
20.US, CS:
haaay..sana lang. pero ndi naman ako nangangarap eh. kasi masakit lang umasa tapos wala rin.
21.MAY SCHOLARSHIP KA BA?
wala..pero iskolar ako ng bayan. haha..labo.
22.ILANG UNITS NA NAIPASA MO?
wala pa..ndi pa nga tapos ang 1st sem eh.
23.NANGANGARAP KA BA NA MAGLAUDE?
oo pero maliit na parte lang ng pagkatao ko un. kung masyado kong dadamdamin, baka mabaliw lang ako.
24.KELAN KA GAGRADUATE?:
2008 kung mananatili ako sa biochem..kung magshishift, depende.
25.FAVE TEACHER:
si ma'am miciano! hahaha..*whatever aika* si prof sumalapao nung teacher pa namin siya..at si sir nuestro pala sa pe..masaya siya kachikahan.
26.WORST TEACHER:
wala naman..pero ayoko talaga ng comsci. no offense sir betan. mahal ko po kayo!
27.FAVE SUBJECT/s:
comm..(hehe!) at Math 17 noon.
28.WORST SUBJECT:
comsci talaga. it's not the teacher. mahina lang talaga ako sa ganyan lalo na ung javascript..hehe. sorry partner..
29.FAVE LANDMARK SA UPManila:
ung lady med sa pedro gil..
30.BUILDING?:
GAB? dahil marami kaming subjects dun? pero mas trip ko parin ang maghangout sa corridor ng RH 119 eh..
31.FAVE KAINAN:
ewan. wala. sa kahit saang maisipan namin ni harry na magdate.
32.ESTUDYANTE BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
naglalakad lang ako pero kapag sumasakay ng jeep, ndi. kasi naaawa ako sa driver.
33.LAGI KA BA SA MAIN LIBRARY:?
hindi. dahil sobrang tahimik na, ang init pa.
34.NAG-S.A. KA NA BA?
ndi pa..at wala rin akong balak.
35.ANO MASASABI MO KAY OBLE?
astig ang nirerepresent niya. at ang ganda ng katawan. hehe..
36.MAY ORG/S KA NA BA?
bcs..at supposedly volcorps rin ako. plus nirerecruit ako dati sa anakbayan at lfs..
37.FRAT/SORO?
siguro kung magpopolsci ako..
38.NAPANOOD MO NA BA ANG OBLATION RUN?
sa tv..pag binabalita. pero ung live..ndi pa. mas masaya ata ung sa diliman eh.
39.NAGPUNTA KA BA SA INFIRMARY NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
may infirmary ba sa upm? sus..iinom na lang ako ng afebrin..
40.MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?:
meron. isang taga-AS, isang taga-pedro gil..
41.BF/GF?:
wala eh..constant ka-date. harhar..:P
42.MAY BALAK KA BA MG-MS, PHD?
kung itutuloy ko ang course ko, baka. pero kung magfilm ako..ndi na. magtatrabaho na lang ako sa abs-cbn. hehe.:)
43.ANU-ANO ANG MGA PE MO?
bowling! hehe..masaya..nako. next sem, baka fpf kami..
44.KAMUSTA NAMAN ANG BLOC NYO?
ok lang..masaya naman kami. pero sana mas bonding.
45.BOMOTO KA NA BA PARA SA USC?
ndi pa..pero iboboto ko si james!!! hehe..
46.MAY BALAK KA BANG MAGTRANSFER NG CAMPUS?
depende sa magiging ending ng second sem ko..
47.MASAYA BA ANG FEB FAIR?:
well..masaya ung sa diliman dati. ewan ko lang kung meron niyan sa manila.
48.NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION?:
UP graduation? ndi pa..dapat pala pumunta ko dati nung kay kuya mel.
49.MEMORIZE MO BA ANG UP NAMING MAHAL?
haha..kahiya-hiya ako. ndi..
50.NAGSASUMMER KA BA?
kelangan sa biochem..pero depende nga kung itutuloy ko tong course ko.
51.NAKAPERFECT KA NA BA NG EXAM?
haha..oo. sa comsci. harhar..at wala nang iba.
52.ANO AYAW MO SA HELL WEEK?
as of now, ok pa naman ung exams..mas nakakamatay para sakin ung papers.